UP Sandigan

Sunday, December 23, 2007

Social Service 'til the end.

Before the Lantern Parade last December 19, 2007, UP SANDIGAN held a Christmas pakain earlier that afternoon to feed the children around UP Diliman. This is also the last day of the tambayans around Gonzales Hall, so before we completely leave the memorable place, the Sandiganistas prepared goto, macaroons, biscuits to feed the children and accompanied these with sweets that they can take home.

Above are Sandiganistas Ate Jen
and Aby Tere serving food to the children.

Sandiganistas with the children and
Ate who sells us turon, banana-q
and karioka everyday at the tambayan.

Despite the sad truth, the Sandiganistas enjoyed themselves, for the last time, at the tambayan, and took all the photos we can carrying the fondest memories everyone had at the North Wing.

the boys of UP SANDIGAN aka the taga-buhat and all that :)

Last photo of UPS tambayan with current mems
and alumna Rose Anne.

After the photo op, we carried the tables, chairs and the cabinet and put them at the main library basement. We are very grateful for the ENCM boys (neighbor to the right) for carrying the second table and the cabinet--they were really heavy!well, you know what they say, "sino pa ba ang magtutulungan kungdi tayo-tayo lang din naman".


the ENCM boys :)

i guess, this means, by 2008, we need to hunt for a new tambayan for our applicants and other activities.
+ + + +

one last look.

Saturday, December 22, 2007

Xmas Party and Instivisit @ CJF



December 15, 2007, bumalik ang UP SANDIGAN sa Children's Joy Foundation para magbigay saya sa mga bata ngayong kapaskuhan. Pangatlong beses na ito na pagbisita ng mga Sandiganistas, at pangalawang beses sa taong ito (March 2007 iyong huli) at hindi pa din nila kami nakakalimutan. Masaya ang naganap na selebrasyon dahil sa makukulay na damit ng mga bata at sa mas madaming performances nilang binahagi sa amin.

Opening Performance

Performers from Caraga

Ang mga bata dito ay punong-puno ng talento at tila hindi sila nauubusan ng lakas para sumayaw at kumanta. Sinuklian naman ito ng Sandiganistas ng masasayang palaro hosted by Jombits, Maan, Cha na nagdulot ng kasiyahan para sa lahat. Sa huli, nagturo din si Aby ng origami sa mga bata.


Nagpapasalamat kami sa Millionaire Anonymous Inc. -- Sina Ms. Divine at Ms. Rian dahil nakipag tie-up sila sa UP SANDIGAN para matuloy ang instivisit na ito.

Sandiganistas with Ms. Divine and Ms. Rian


Sandiganistas with applicant Amae :)


Gift-giving to CJF kids (gifts from Millionaires Anonymous)



30th and Last Year of Christmas Party at the North Wing Tambayan.

UP SANDIGAN held their Christmas Party at the tambayan last December 13, 2007. It was quite a memorable celebration because it is the last Christmas Party of the Sandiganistas at the North Wing Tambayan. We enjoyed the food, the laughter, the usual lively conversation, but most of all, the members were overwhelmed by the full support of the alumni who came and gave their advices, encouragement and passed the message of the other alumni who were not able to come but are very much concerned with the present dilemma of our beloved org. We are very much grateful to all the alumni who came: Janeth, Rose Anne, Charisse, Ate Aye, Kuya Erwin, Ate France, Ate Sarah, Ms. Sheila, Ms. Roch, Ms. Christina and Kuya Paul. The present members will definitely keep in mind all the things that were said at the Christmas Party Meeting and do them with much fervor to keep the fire of social service burning for a longer period of time, because 30 years is not enough.

with applicant Marco


(both pictures) current active members of UP SANDIGAN
we missed Cherry, Crisel, Kat, King and Yang.

Sandiganistas members an alumni during meeting.

Sunday, December 09, 2007

UPDATES ON THE CRIS MENDEZ CASE

Suspek sa pagpaslang kay Mendez, kakasuhan na.

Toni Tiemsin

Sapat na umano ang ebidensyang hawak ng awtoridad para maghain ng kaso ngayong buwan laban sa mga suspek sa pagpatay kay Cris Mendez, biktima ng hazing sa kamay ng mga hinihinalang kasapi ng Sigma Rho Fraternity (SR).

Ayon kay Roger Sususco, special investigator ng anti-terrorism Division ng National Bureau of Investigation (NBI), hinihintay na lamang nila ang testimonya ni Chief Inspector Filemon Porciuncula, medico-legal officer ng Quezon City Police District Crime Laboratory Office na nagsagawa ng autopsy kay Mendez, bago tapusin ang kanilang ulat at tuluyang magsampa ng kaso sa susunod na dalawang linggo.

Hindi pa masabi ni Sususco kung sino ang mga sasampahan at kung ano ang mga kasong ihahain laban sa kanila, ngunit maaari umanong makasuhan ang ilang mga nasangkot sa kanilang imbestigasyon.

Ilan sa ipinatawag sa imbestigasyon ng NBI ay mga opisyal ng Sigma Rho na sina Raul Grapilon at Ronald Chua, gayundin ang ilang miyembro nitong sina Ryan Bacay, Crispin Calimson, Reggie Agustin at Andoni Santos, pawang hinihinalang sangkot sa naganap na hazing.

Ipinatawag din ng NBI si Mikko Borra, estudyante ng UP na anak ng may-ari ng bahay na pinagdausan ng hazing. Naimbitahan din ang mag-amang Dr. Francisco at Miguel Cruz, na miyembro rin ng Sigma Rho.

Ayon kay Sususco, magkasama umanong nagsasmpa ng kaso ang NBI at QCPD matapos silang magkasundong magtulungan sa imbestigasyon.

Ani Atty. Joselito Olivares, abogado ng pamilya Mendez, lumalabas na mga miyembro umano ng Sigma Rho ang salarin sa pagkamatay ni Mendez batay sa ebidensyang nakalap ng NBI. Dagdag niya, inaasahan niyang lalabas na suspek ang mga nabanggit sa pahayagan.

Ayon kay Olivares, tuloy ang kasong isinampa nila sa Quezon City Regional Trial Court noong Oktubre 22 laban kay Cruz, dahil hindi umano nito ipinaalam agad sa pamilya ni Mendez ang sinapit ni Cris. Kasamang sinampahan ng kasong sibil sina Myrna at Miguel, mag-ina ni Cruz. Humingi umano ang pamilyang Cruz ng hanggang Disyember 14 para makasagot sa pamamagitan ng abogado.

Aniya, may mga taong lumalapit sa kanya upang aregluhin ang kaso, subalit hindi umano sila pumapayag. “Kahit pag-uusap lamang ay hindi mangyayari hangga’t hindi lumalantad ang mga maysala sa pagkamatay ni Mendez”, dagdag niya.

Samantala, dinidinig pa rin sa Student Disciplinary Tribunal ang kasong isinampa ng administrasyon ng UP laban sa 14 na opisyal ay miyembro ng Sigma Rho dahil umano sa paglabag ng rules on hazing and misconduct ng Unibersidad.

**ang artikulo na ito ay mula sa Philippine Collegian, December 7, 2007 (Friday)

Wednesday, December 05, 2007

Christmas Party - updated



happy holidays everyone!!!

see you all :)

**updated.we changed the xmas party date to dec 13, 2007 :)
so that more will be able to come :P

Tuesday, December 04, 2007

Important Announcement About UPS Tambayan

UP SANDIGAN's 30 long years at the North Wing Main Library has come to an end. The Main Library Administration has finally decided to push through with their plans on the reconstruction of the basement and reroofing of the said library. Unfortunately, this decision will affect all the tambayans around Gonzales Hall leaving the student orgs with no choice but to evacuate and find another place where they could stay.

Today, UP Sandigan received a letter informing us that we only have until December 14, 2007 (Friday) to clear the area. Due to this, our organization is facing the dilemma of finding an alternative meeting place. Without such, UPS may fall apart.

But there is still hope, UP Sandigan will not cease to exist as long as they still have the will to do social service and reach more filipino people who need help. A lost tambayan is just a challenge to further strengthen the bonds that ties us. Let's just all hope for the best for the Sandiganistas. - JSM