Sem-Opener '07 (1st sem)
Masayang nilunsad ng UP SANDIGAN ang selebrasyon ng pagbubukas ng unang semestre sa taong ito. Pinangunahan ni Jenny Beth Padro, ang bagong presidente, ang paghahati-hati ng mga dadalhin sa kainan. Naatasan ang bawat kumite na magdala ng kani-kanilang kanin, ulam, inumin at pati na panghimagas. Maraming dumalo sa tambayan at nakisalo sa tawanan, sa chikahan, at sa pagdudugtong ng pamilya. Sa huli, nabusog ang lahat sa mumunting salu-salong ito.
Nagsipagdatingan din ang mga alumni na sina Rose Anne Eugenio, Rienalyn Santos at Jan Michael Villas. Si Steve na nakihabol ay hindi rin nagpahuli sa handaang ito.
Naging masaya ang araw na ito para sa lahat. Hudyat sana ito ng masaya at magandang semestre para sa bawat isa at para sa nalalapit na ika-30 anibersaryo ng UP SANDIGAN.-Swaz M
*photos
0 Comments:
Post a Comment
<< Home