Christmas Caroling
Namiss mo ba ang unang caroling? Sayang at namiss mo rin ang saya. Matapos ang ilang araw na pag-iensayo ng mga vocal chords ng mga members ay natuloy din ang caroling nitong Dec. 3, 2005. Salamat at nag-paunlak si Ms. Glen, ang butihing tita ni Maan Serias, na ang “UP Sandigan Carolers” ay mabisita at makantahan silang magkakaibigan. Ang caroling na ito ay naglalayong makapag-raise ng karagdagang halaga sa ating pondo at para na rin magkaroon ng bonding moments ang mga miyembro. Sa ganitong activity rin naipapamalas ng mga miyembro ang kanilang galing sa pagkanta at pag-lip synch.
Dito ay nais na ring magpasalamat ng UP Sandigan sa ating alumnong walang sawang sumusuporta sa organisasyon, si Mr. Achilles Dianopra o Kuya Aki (salamat na rin po sa libreng pakain).
Sa mga nagnanais ng second-time around, check na lang sa mga updates para sa info tungkol sa susunod na Christmas caroling. Kitakits! - JT
0 Comments:
Post a Comment
<< Home