UP Sandigan

Saturday, January 19, 2008

JOIN UP SANDIGAN :) THIS SEM!!!

hey you, yes you!we know you want to join UP SANDIGAN but unfortunately, you can't find us!well, you need not worry. UP SANDIGAN is still alive. If you're having a hard time searching for the socio-civic org at the North Wing of Gonzales Hall, just walk a few more steps from that place and you shall get to the store across it. When you find tables scattered around the sari-sari store with a bunch of students laughing, talking, shouting the name of their crushes, talking about Juday and how Ysabella ended, then, hey you've found us!Congratulations!The next step is to join immediately and be a part of an organization that exists to provide social service to our fellowmen for the betterment of humanity.

A typical day of Sandiganistas...

tambay at ate marie's and at the pasta place, long island.
eat lunch, meryenda and dinner.

talk about life, lovelife, plans for the future,
and of course, activities of the organization...



We will never abandon North Wing -
the place that sheltered generations of students
who are always ready to give social service
to those who are in need.



UP SANDIGAN, even without the tambayan,
will always remain as UP SANDIGAN.

Friday, January 18, 2008

DOCUFEST: THE BEST OF I-WITNESS

When: January 22, 2008
Location : UP DILIMAN - Film Institute
Ticket cost: 60php
Avail the tickets from UP SANDIGAN, North Wing, Gonzales Hall
For inquiries, contact Betty - 09198474880 , Johnnel - 09226182788 or Jombits - 09178061187

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

“1898: Lihim at Kontrobersiya (1898: Secrets and Controversies)”
ni Sandra Aguinaldo

June 27, 2005

Taong 1898… isa ito sa pinakamahalagang yugto sa ating kasaysayan - taon kung kailan idineklara ang ating kalayaan at isinilang ang unang republika ng Asya. Isang maipagmamalaking bahagi ng ating kasaysayan, ngunit nababalot din ng mga lihim at kontrobersiya.

Ang dalawang pangunahing tauhan ng 1898, sina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio - magkakampi nga ba o magkatunggali? Nagkaroon nga ba ng dayaan noong eleksyon sa Tejeros, kung saan nahirang na pangulo si Aguinaldo? Ibinenta nga ba niya ang ating bayan sa halagang P400,000? Ano ba ang mga tunay na pangyayari sa pagkamatay ni Andres Bonifacio?

Inalam ni Sandra Aguinaldo ang mga kasagutan sa mga katanungang ito. Binalikan niya ang kasaysayan sa pamamagitan ng mga libro, mga orihinal na journals na isinulat ng dalawang bayani, at mga museo at aklatan kung saan naroon ang mga dokumento ng Katipunan.

Nakausap rin ni Aguinaldo ang mga apo ni Bonifacio - na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit kay Aguinaldo. Binisita rin ni Sandra sa mansyon ng mga Aguinaldo sa Kawit, sa pangalawang pamilya ng heneral sa Baguio, hanggang sa Maragondon-- ang lugar kung saan pinatay si Bonifacio.


“Sa Ngalan ng Pangalan”
ni Howie Severino

October 23, 2006

Sino si Ginoong Bagonggahasa? Sa Paete, Laguna siya ay retiradong US Navy man na ipinagmamalaki ang kanyang kakaibang apelyido. Ang pinsan naman niya na Kapitan Barangay, desperadong papalitan ang pangalang ito. Pero mas matindi ang problema ng mga babaeng Bagongahasa. Marami sa kanila ang nais mag-asawa agad upang mabago ang kanilang apelyido.

Ilan lang ang mga Bagongahasa sa mga Pilipinong may problema sa kanilang pangalan. Ito ang kakaibang paksa ni Howie Severino sa dokumentaryong ito. Mula Laguna hanggang Ilocos, tutuklasin niya ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa kanilang pangalan.

Hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral sa Maynila ang magkapatid na Pecpec. Dahil di sineseryoso ang kanilang pangalan, bumalik na lang sila sa bukid.

At hindi lang mga pangalan ng tao ang may isyu. Sa Pampanga, pilit palang pinalitan ng mga tiga Sexmoan ang pangalan ng kanilang bayan. Sa Ilocos, ipinagmamalaki naman ng mga residente ang pangalang Barangay Baliw.

Sa Ilocos Norte, nagkalat ang mga Ferdinand Marcos. Hinarap ni Howie ang tunay na Ferdinand Marcos Junior -- na nakatikim naman ng panunukso sa ibang bansa dahil sa palayaw niyang Bongbong. Si Howie mismo, itinatanong pa rin kung bakit Horacio ang ipinangalan sa kanya ng kanyang magulang!


“Tatak ng Bayan”
ni Sandra Aguinaldo

March 5, 2007

Saan mo man sila makita, mapa-kalsada man, loob ng mall, at maging sa ibang bansa, siguradong makikilala mo sila. Sila ang mga tatak na kinalakhan at nakasanayan na nating makita, nagkaroon ng sariling pagkatao at personalidad dahil sa galing ng serbisyong ipinakita nila sa publiko. Sinong bata ang hindi nakakakilala kay Jollibee? Saan ka bibili ng school supplies at murang libro? Sa National Bookstore. At anong brand ng damit ang ine-endorso ni Richard Gomez? Bench. At saan ka pupunta para mag-shopping? SM.

Kada dekada, isang tatak ang umuusbong at nagiging bahagi ng ating kultura, umaayon sa mga pagbabago dala ng pagdaan ng panahon. Samahan si Sandra Aguinaldo balikan ang simula ng mga tatak na ito at alamin ang daan sa kanilang tagumpay sa pang-anibersaryong handog ng I-Witness ngayong Marso 5.

Mula sa pagiging isang maliit na ice cream store sa Cubao, naging isang higanteng fastfood chain ang Jollibee na binuo ng pamilyang Tan Caktiong taong 1975. Pero ano nga ba ang ginawa ng Jollibee para makamit ang kasalukuyan nitong tagumpay? Aalamin ni Sandra Aguinaldo ang sikreto ng Jollibee para mapanatili ang “langhap-sarap” nitong serbisyo at titignan ang epekto nito sa kultura natin bilang Pilipino.

Makikilala rin ni Sandra Aguinaldo ang “Nanay” sa likod ng tagumpay ng National Bookstore. Taong 1942 nang buksan ni Socorro Cancio-Ramos ang kauna-unahang National Bookstore sa Escolta, Manila. Dinanas na ang giyera, pinagdaanan ang martial law at tatlong EDSA revolution, pero hindi natinag ang NBS bilang “bookstore ng bayan.” Titignan ni Sandra ang papel na ginagampanan ng National Bookstore sa pamilyang Pinoy at sa sistemang pang-edukasyon ng ating bansa.

At mula kay Richard Gomez hanggang kay Piolo Pascual, tila lahat ng sikat na artista, dumaan bilang image model ng Bench. Ano nga ba ang katangian ng damit na ito at nahuli niya ang kiliti ng Pinoy pagdating sa larangan ng fashion?


“Lesbiyana Po Ako!”
ni Sandra Aguinaldo

June 4, 2007

Sa kulturang Pinoy, tila tanggap na tanggap ang mga bading. Pero iba ang kaso ng mga lesbiyana.
Ilang araw na lang ang hinihintay ni Nickie Mossman bago lumipad patungong Hong Kong upang mag-lounge singer. Pero ang pinapangarap na kasaganaan, may mapait na kapalit. Kasabay ng kanyang paglipad ay ang pagtalikod sa pagkataong dinala niya ng apatnapung taon.

Lesbiyana si Nickie. At kung hindi raw niya itatago ang pagkatao, hindi siya makapagtatrabaho bilang singer sa Hong Kong.

Kikilalanin ni Sandra Aguinaldo ang ilang lesbiyanang Pinay na patuloy na naghahanap ng pagkakakilanlan at pagtanggap sa lipunan.

Tulad ni Nickie, nahihirapan si Jessie Cocuera sa kanyang bagong trabaho bilang artista. Starstruck finalist si Jessie, at sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan niyang magsuot ng mga pambabaeng damit! Alam ni Jessie na malilimitahan siya sa mga roles kung tuluyan siyang magpapaka-tomboy, kaya tanggap niyang kailangan niyang magpakababae sa ngalan ng trabaho.
Tinaguriang “lipstick lesbian” naman si “Dorothy,” babaeng hindi mo aakalaing tomboy dahil sa hitsura, pero sa loob ay pusong lesbiyana. Para maiwasan ang mababang pagtrato, pinili raw niyang itago ang katotohanang ito. Si Dorothy ay isang commercial model at beauty queen.


“Mabuhay si Brod!”
ni Howie Severino

September 24, 2007

Tuwing Linggo ng Setyembre, animo’y piyesta sa kahabaan ng Taft Avenue. Dinadagsa ang lugar dahil sa taunang Bar Exams na kinukuha ng libu-libong estudyanteng umaasang maging abogado. Marami sa kanila, hangad pang mabilang sa mga pinuno ng ating bansa. Isa si Cris Mendez sa mga nangarap pumasa sa bar. Pero sa unang araw ng bar exams, sa halip na sa Taft Ave, sa huling hantungan hinatid si Cris ng kaniyang pamilya.

Sa dokumentaryong ito, susubukan alamin ni Howie Severino kung gaano nga ba kahalaga sa mga magiging abogado ang mapabilang sa isang fraternity. Papasukin ni Howie ang mundo ng UP Law School – na nakikilala ngayon hindi lang para sa mga lider na galing rito kundi para na rin sa mararahas nitong kapatiran.

Pilit na hahanapin ni Howie ang Sigma Rho, ang frat na itinuturo sa pagkamatay ni Cris Mendez. Makikilala rin niya ang Alpha Pi Beta, mortal na karibal ng Sigma Rho, na nakapatay na rin ng sarili nilang brod dahil sa hazing. Halos sampung taon na mula nang bawian ng buhay si Alex Icasiano sa kamay ng APB.

Sa isang makabagbagdamdaming eksena ng dokumentaryo, makikilala ng nanay ni Alex ang ina ni Cris Mendez. At matapos ang ilang linggo ng pag-aabang, makakaharap na rin ni Howie sa isang ekslusibong panayam ang ilang miyembro ng Sigma Rho.

It gives him hope that Sigma Rho will eventually choose to do the right thing.

Friday, January 11, 2008

Sandiganistas @ UP Centennial Kick-Off

Wearing our orgshirt, Sandiganistas joined the UP community last January 8 at the kick-off of the university's centennial celebrations.

UP Sandigan Pep Squad UP @ 100